Home » Post Item » kapalaran
kapalaran
June 5, 2009
Bakit daw mahirap maging masaya at malaya ng sabay?
Ang mga ninanais ng puso at isipan mo akala mo abot kamay mo na pero isang pikit mata lumihis ito ng lipad papalayo sa mga palad mo. Bakit ka pa binigyan ng laya na mangarap kung sadyang may mga bagay sa mundo na hanggang pangarap na lamang at hindi kailanman mapapasakamay mo kahit anong pilit mo. Ngunit sadyang matigas at rebelde ang puso at isip ng tao, mapilit parin sa mga imposible, hindi nalalaan para sa kanya at maging ang mga bawal sa mundo. Malupit daw ang tadhana pero may mas lulupit pa ba sa ginagawa ng tao na kalabanin ang lahat maging ang tadhana kung kaya pinili na pasakitan ang sarili dahil yun lang daw ang makakapagpasaya at makakapagpalaya sa kanya.
Ano nga ba ang sukatan ng kasiyahan at maging ng kalayaan? Hindi ba sumasutal nito ang pagiging makasarili? Sabi ng tao hindi ka magiging makasarili kung may pagmamahal sa puso mo. Subalit hindi ba may iba’t ibang klase ng pagmamahal, meron yun totoo (unconditional) at meron hindi totoo (selfish).
Nagbabago ang hinaharap tuwing nagbabago ang hubog ng isip at puso ng tao, ngunit hindi nga ba hindi naman nagbabago ang mga guhit sa iyong palad na sinasabi rin nilang kapalaran mo sa darating na hinaharap. Kung maipapaliwanag ko lang ang katotohanan gamit ang aking palad o ang mga bituin sa langit, baka sakali maintindihan ko ang lahat-lahat sa mundo. Subalit hindi ko rin naman yun gugustuhin dahil matatali na lamang ako sa mga propesiya na tulad ng tadhana na nagbabago rin naman o maaaring malaking kasinungalingan lamang.
Ang hiram na buhay
may pinanggalingan
may paroroonan
may hangganan
Previous Comments
Mukhang napakalalim ng pinaghuhugutan nito, Erica. Sana nga ay masagot ang mga katanungan mo dito sa post na ito.
Posted by Nortehanon at June 7, 2009, 10:57 pmGUSTO KU LANG NA MALALAMAN KUNG ANONG KAPALARAN ANG NAG-HIHINTAY SA KIN SA NEXT 2010 MY BIRTHDAY IS 01-04-78 CAPRICORN. AT BAKIT LAGI AKO NANAGINIP NG TUBIG. AT MINSAN UMIIYAK PA KO SA PANAGINIP KO. SANA MAGKAROON NG KASAGUTANG ANG LAHAT NG MGA TANONG KO THANK YOU EMIAL KAYO SA ARIEL.VALDEZ22@YAHOO.COM
Posted by ARIEL at November 30, 2009, 10:31 amgusto ko lang malaman kong suerte ba akong papasok ng negosyo o magtrabaho sa ibang bansa dh or babysit ngayon 2010 kc nagulohan ako ano gawin ko dami ko pa babayaran my birthday is march 9,1963 pieces rabbit thank you sana imail kau sa akin maridelcornita@yahoo.com
Posted by maridel at August 12, 2010, 10:22 amIt takes some time to cultivate some friendship.
Posted by coach factory outlet at December 10, 2010, 10:30 amLearning is the eye of the mind.
Posted by Cheap Juicy Bags at December 21, 2010, 12:01 pm*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:18 am







hmmm… hindi ako naniniwala sa kapalaran.
Ang panget naman ng buhay kung nakatakda na ang mga bagay-bagay. Walang thrill. Nakakatamad mabuhay pag ganun.
Hindi diktador ang Diyos. Siya’y isang matalinong Diyos. Kalokohan kung tayo’y nilikha Niya tapos alam na Niya ang lahat ng mangyayari sa atin. Hindi tayo mga robot nakaprogram na ang mga gagawin.
Huwag tayong patali sa destiny, sa mga bituin, o kung anu-anong guhit sa palad. Tayo ang lumilikha ng ating kapalaran. Hehe
Posted by xdalisayx at June 5, 2009, 5:05 pm