Home » Archives » 05. March 2009
tagged
March 5, 2009Hindi ko mapag-alaman bakit at kailan nga nauso ang pag-tag sa blog pero dahil sabi ni AC, isa ako sa mga masisipag mag-comment, eto na papatulan ko din ang pag-tag sakin. Sa totoo lang kaya ako masipag makibasa ng blogs at mag-comment ay para lang hindi ako masyado mag-isip ng kung anu-ano lalo pa’t ang trabaho ko ay hindi talaga matuturing na trabaho ata kung alam niyo lang lahat. Kailangan ko laging maging productive, feeling ko magkakasakit ako at mababaliw kapag hindi ako kumilos. Every lull moment makes me feel more hopeless and helpless na hindi naman tama at dapat. Kailangan ba talaga ijustify. Anyways, here goes.
Rule: List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
1. Erica Iris Raquel - check niyo pa birth certificate ko, lahat yan andun.
pero totoo Raquel talaga apelyido ko, wag na magtanong kung bakit at wag rin ako hingan ng apelyido pa. San man roll call ako tawagin, buong pangalan ko lagi ang binibigkas, at lagi akong hinihingan ng apelyido, at paulit-ulit ko din na sasabihin na Raquel po ang apelyido ko. Sabay tatanungin ako ulit - “di nga?” o “apelyido mo ms.?”. Marunong ka bang magbasa?! Marami nga naman na-aamaze at hindi makapaniwala pero sasaan ba eh wala naman sila magagawa, inggit lang sila (joke peace). At dahil sa maganda ang apelyido ko, requirement ko talaga na maganda apelyido ng mapapangasawa ko. (makapag-segway lang hehe)
Erica Iris - pakana ito ni papa, siya ang pumili ng mga pangalan namin magkakapatid. lahat ng pangalan namin may common denominator na ibig sabihin, leader/ruler. Share ko narin minsan actually madalas kinikilabutan ako sa pangalan ko kasi masyadong pambabae eh ang bargas ko naman. Yun tipong pang boldstar at artista daw. (badtrip) Actually, wala itong sinabi sa mga pangalan ng mga kapatid ko, tunay na pang dugong-bughaw. John Marc Stephen Raquel at Brian David Irving Raquel. Dba naman?! Ako lang ang 2 names, dahil siguro pangalan narin naman ang Raquel, hindi ba enough na yun para pahirapan pa ko. But seriously i love my name. Kailan ko lang ito na-realize, i would never dare to trade it for anything else.
2. Aiee - unang nickname ko ito nun bata, tumatawag sakin nito eh puro kapamilya (wag sana mag-react ang mga kapuso lol). Ang history nito ay dahil hindi daw mabigkas ni kuya ang salitang “Iris”, kaya naging “aiee”. sana na-gets niyo.
3. Erica - given naman na, majority ng may kilala sakin at mga kakilala ko eh Erica ang tawag sakin. Swerte ko narin kasi wala akong kaparehas ng pangalan sa batch ko sa mga schools na pinasukan ko (SSHS, DLSU, SBC at AUSL) pero kailangan ipronounce ng mabuti kasi may mga Eric ako na kaklase, hindi maiiwan napapalingon din ako. Pati barkada ko at close friends siyempre ito tawag sakin.
4. Erica dalapotpot - pakana ito ni papa kapag naglalambing siya sakin, yan ang tawag niya sakin. hindi ko alam san niya yan napulot, pero since bata ako yan na talaga ang tawag niya sakin pagka pinag-ttripan niya ko.
5. Achie - chinese fookien term which means “ate”. dahil nga chinese school kami yan ang tawag sakin ni shoti (younger brother) at ni mama. Nagawa narin itong iadopt ng mga relatives ko sa muntinlupa. Kung baga naging achie na ko ng bayan.
6. Shobe - chinese fookien term which means “younger sister”. tawag sakin yan ni kuya. siya lang tumatawag sakin niyan.
7. Potpot - hindi ko alam pano at kailan ito nagsimula pero si Leslie (if i remember it correctly) na friend ko nun high school ang may pakana nito. I still have a letter invitation from her wherein she addressed me as potpot. Dahil ata sa para akong pato ako maglakad eh, yun pasubsob na naiiwan ang puwet, don’t try to imagine. it’s already humiliating as described.
8. Raquel - nagkakaroon ng phase sa buhay high school na everyone is called by their last name, dumaan po ako dun. pero ngayon sa lawschool, dahil you are always called by your last name, para sa mga classmates ko, Raquel ang tawag nila sakin, at lagi ko nalang kailangan iexplain sa kanila na Raquel is my surname dahil ang akala talaga nila eh pangalan ko yun.
9. Iris - si Atty. Casihan ang may pauso nito, may bossing sa aking first job. Interview palang eh Iris na ang tawag niya sakin. I requested him to call me Erica, pero he insisted na Iris dahil yun ang gusto niya at para maiba naman daw. Kaya lahat ng nakasalamuha ko sa work ko before eh Iris ang tawag sakin. Iris is so girly if you ask me, para talagang hindi ako.
10. Ca - only my bestfriend Tracy calls me by this name. Pinaiksing Erica obviously. Ako naman ang tawag ko sa kanya eh “C” - pinaiksing Tracy
11. Bru - only my bestfriend Tracy ulit calls me by this name. Obviously, pinaiksing bruha, yan ang tawag niya sakin pagka naglalambing.
12. Erix - si Kate Jurisprudence ang tanging may tawag sakin nito. He likes to make her girl friends names into boy names kaya naging Erix.
13. sbt - acronym ng small but terrible. nun unang beses ako gumawa ng e-mail ad, yan ang naisip ko kasi lagi akong tinatawag na ganyan sa SSHS, maliit kasi ako at terrible nga naman.
14. Rocky - c vince ang may pauso nito, blockmate ko nun Beda at barkada ko ngayon sa Arellano. Astig daw kasi “Rocky Raquel”. dapat daw ganun pinangalan sakin o siguro daw ganun name ng tatay ko. grabe ang kulit diba?!
15. hukombitay - cybernick ko. dahil nga sa gusto kong maging hukom bitay. nasimulan ko ito nun nasa friendster blogging pa ko, yun tipong The Hukom Bitay Life. although mahirap i-equate sa real personality ko ang hukombitay, hindi naman matanong ang mga cyber friends ko sa etymology ng name ko na yun so ok naman diba. i’ve always enjoyed using the name.
Wow, ang dami ko palang names na ginagamit. nice! hope you all enjoyed sa aking trip down memory lane.
wala na kong ita-tag. kayo na bahala kung tutularan niyo kami.







