tribute

February 26, 2009

Sinusulit ko na ang bawat minutong tumatakbo papalapit sa araw ng paghuhukom. At dahil dito naisipan ko nanaman magbloghop kung san-san.

Nagtatalo sa numero unong posisyon ang bob ong wannabees at love doctors pero I must say, panalo sa listahan ko today ang Korek ka John.  Hindi ito ang unang beses na i’m quoting John na aking source of inspirasyon. Natutuwa lang ako kasi nagpapakatotoo lang siya lagi. Kung masaya siya masaya siya, kung malungkot edi malungkot, kung galit naku galit, at kung anu-ano pang emosyon na kaya niyang maramdaman na maaaring maipakita sa mundo. Pangarap ko rin kasing maging totoo sa aking sarili at maging kuntento dun. Hindi ko malilimutan ang blog niya about Maricel Soriano at ofcourse ang different faces of sweet noong minsang anniversary niya.

Ang latest blog niya is about Bebe (pronounced Bibi) Gandanghari a.ka. Rustom Padilla (before). Tunay naman na matunog ang pangalan ni BB san ka man ngayon mapunta. Nag-sit-in ako sa klase ng Legal Medicine ni Atty. Arizala last Saturday at mismong siya ay nakapag-segway tungkol kay BB. 

Nag-enjoy ako sa istilo ng pagsusulat ni John. Aklat ng kagandahan ang kanyang title pero hindi mo akalaing ang laman nito ay higit pa sa usapang kagandahan. Maliban sa misyon niyang magbigay impormasyon tungkol kay BB ay naroon nga ang usapang Ms. Universe mula noon hanggang ngayon. Naroon din ang kanyang personal involvement sa istorya. Informative, creative at meaningful. All in all it was a well-written piece. Hindi ako expert critic sa pagsusulat pero ang mga naiibang pagsusulat na nagpapakita ng totoong sarili mo ay ang pinaka mag-aangat sa pangalan mo sa larangan ng blogging at maging saan man na propesyon at larangan ng kompetensyon.

It’s not all about writing but writing what you know. Maganda ang mga may sariling tema at timpla na pagsusulat ay masasabing may originality. Masyadong mahaba ang listahan ng mga dapat purihin, try niyo icheck ang web friends ko a.k.a. blog gurus, maiintindihan niyo rin ako. I found a lot of parts of me distributed among beautiful strangers, AC, soulful, duchess, N, muymuy and mitch. Well yun iba masyadong espesyal na mga tao para hindi bigyan ng puwang sa page ko, hindi man sila magsulat tulad nila Shakespeare, Jane Austen at Paulo Coelho.

Hindi ko pa man nalilibot lahat ng blogs sa blogosphere, pero masaya ang patuloy na paglalakbay sa mundong ito. Natanong nga ako kahapon dahil sa Ash Wednesday kasi may kanya-kanyang mga penetensya ang mga kaibigan ko, ano daw ba ang isasakripisyo ko ngayong season of lent? Sabi nila kailangan yun something you love the most. Hindi naman kasi ako traditional Filipino Roman Catholic, i even consider my self a non-practicing Catholic paminsan. Mahirap ipaliwanag pero mayroon ako sariling religion, a relationship na kami lang ni God ang nagkakaintindihan. So ayun, isip-isip ako kung ano-ano nga ba ang pwede kong isakripisyo, at dalawang bagay lang ang pumantay sa listahan ko - alak at blogging. Bakit kailangan isakripisyo ang bagay na nakakapagbuo ng pagkatao mo? Hindi ko makita ang logic. Hindi pa naman ito umaabot sa gluttony or ideology na kung saan ay ikamamatay ko kung mawala sila sa buhay ko. Unang-una parin ang pananampalataya ko sa Maykapal, hindi man ako ituring na the typical religious. Never ako nagsakripisyo at hindi ko pa naiisipan baguhin ang aking nakaugalian na. Ang mga pagbabago at mumunting mga kahilingan ay nasasaloob mo dapat, hindi dapat may kung anuman kapalit o kondisyon.

Kung kaya, dapat lang sabihin na - Mabuhay ang lahat ng bloggers sa buong mundo, we rock!

 

Walang personalan, blogging trip lang. 

Pagpasensyahan na ang extreme mood swings ko. Okay, mali nga naman na humingi ako ng dispensa, blog ko naman to ah. *sungit mode*

Huwag mag-alala sa mga taong naninibago sa transformation na nangyayari sa akin. Hindi ako kailanman magbabago. I am still the same old me only different in so many ways.  Tingnan mo lang ako diretso sa mata, ito parin ako natalupan lang ng maduming kamunduhan.

Ako kaya, kailan magkakaroon ng anibersaryo tulad nila Chiksilog, Korek ka John at Superbianca? Pag-isipan ko muna, baka mapasubo ako at kailanganin magpainom, asan ba sila batanggero at kosa?


Posted by hukombitay at 3:58 pm | permalink

Previous Comments

wow, tats naman ako. beautiful stranger daw oh.. hihi ;)

kala ko yung korek ka john si papa john lloyd na naman e, at pag ganun nga OA na pagkaadik mo sa kanya. parang ako lang. wahahah! :D

Posted by AC at February 27, 2009, 2:43 pm

aba
nakalink ako dito
salamat naman
at nakarating pa ang
anibersari ng datkom dito
salamat

ikaw yan
wala naman nagsabi
na nagbago ka diba?
:D

Posted by xG at February 27, 2009, 9:55 pm

@AC: sa super common ng name na john, hindi ko naman naisip na i-equate cla mareng john lapuz at papa john lloyd cruz who are sharing the name. OA na ba? the who itech na matindi ang pagbblog tungkol kay papa lloydie? hehe *peace*

@xG: fan nyo po kasi ako, sorry hindi ako nakapagpaalam sa paglink.

oo nga naman, di ko naisip yun ah, kahit pa may pagbabago sa iyong katauhan hindi ibig sabihin nagbago ka at tuluyang namatay ang iyong orihinal na pagkatao at sarili. hmmm

Posted by hukombitay at February 28, 2009, 10:38 am

sensya na kung ngayun lang ako naka pasok sa tahanan na to eniways wala ko masabi kasi wala ako maisip marahil siguro e dahil first time ko mag isip NYAK

sinabi pala sayo ni nortehanon na nakaka hingal daw ang blog ? neyahaha soheee sa pag takbo

paki gawa na lang po yung TAG ko sa BLOG Thx :D

Posted by jex at February 28, 2009, 10:30 pm

hi jex. ako rin walang masabi pa sa iyo sa ngayon. pero salamat sa pagbisita. sana’y nag-enjoy at tuluyan pang mag-enjoy.

Posted by hukombitay at March 1, 2009, 11:58 am

Add a comment








There is no greater sorrow than to recall, in misery, the time when we were happy.


- Dante (1265-1321), Inferno

About Me

I am my self for the world to hurt... but ultimately Yours for the taking.

- Erica Iris D. Raquel

     

February 2009
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

Pens of Hope

Message Board

che:

welcome to me here..

Star Villanueva:

Hi, Just blog hopping =)

Nortehanon:

Hi E! Dumaan lang para mangumusta. Hope all is well.

hukombitay:

yup yup!

AC:

huwawww!!! you’re back! :)

hukombitay:

hi everyone! don’t miss me so much, i’ll be back soon… :)

AC:

hello! how are you??

Nortehanon:

Hi Erica!
Nangungumusta lang.

Miss N:

Magandang hapon, Erica! Heto po, kababalik lang from Northern Samar at muli ay nakakita na naman ako ng masasayang mga bata. Salamat sa tulong.

hukombitay:

hi everybody… miss me? miss you all!

AC:

hello! :)

N:

Hi Erica, dumaan lang uli para mangumusta.

N:

Hi Erica! Dumaan lang para mangumusta.

hukombitay:

@Miss N: here is me saying Hi back.

hukombitay:

AC cute: thanks po sa award

Nortehanon:

Miss N dropped by waving her hands and saying ‘hi’ :) Hope things are going well.

AC:

eto totoong award. hehe
http://awefullworld.com/?p=2255

AC:

eto di award, pero para sayo.. haha!

http://awefullworld.com/?p=2250

hukombitay:

wow, award ulit, thanks!!!

Drama Queen:

para sa yo: http://kapeatsigarilyo.wordpress.com/2009/04/09/isa-pang-chickenjoy/

Leave a message ▼

Live Traffic Feed

Thank you for dropping by!

    

Subscribe

Technorati
Bloglines

technorati