end of hibernation

February 16, 2009

 

Finally, i am writing again!

wag kayong mag-alala hindi ako lumab-layp! how i wish! *charoosh* pero actually eto na i’m back from the grave at yun ang importante. 

Hindi pa natatapos ang mga suliranin ko sa buhay at nadadagdagan pa sila sa bawat araw na dumarating. ngunit subalit datapwat ang buhay ay nagpapatuloy lalo na anjan si papa john lloyd. *sigh*

So what’s been happening lately?

 

My heart is on fire.

1. mahirap masyadong mabait at popular

Gawa ng mga pangyayari nitong mga nakaraang mga araw, napatunayan ko talaga na mabait ako. San ka ba nakakita ng tinatapak-tapakan na’t lahat at malapit ng masira ang kinabukasan eh nagagawa pang intindihin ang taong nagpahamak sayo. Ni hindi ko nagawang iwish ang kamatayan niya. Hindi ko pinagsisisihan na mabait ako, although marami ang hindi makaintindi kung bakit ako ganito, problema na nila yun. Alam ko ang katotohanan, kontento na ko dun.

Confirmed talagang popular ako. Kung ako ang kumandidato ngayong election, sigurado… landslide… ako ang panalo. Hindi nga ba bad publicity is still publicity. Buti nalang at malinis ang konsensya ko, bahala na silang mamroblema at magchismisan, ako naman ang sumisikat, hindi sila. 

Gaano man kaganda ang papel mo sa mundo, ingatan mo man ito at itago sa baul, subukan mong silipin matapos ang 1 araw, dudumi at dudumi ito dahil may iba nang mga elemento na naninirahan dito.

2. masama ang masyadong nagtitiwala

nature ng tao ang magtiwala. pero nature din ng tao ang maging makasarili. so dapat talaga careful ka lagi. tamang tiwala sa ibang tao at hindi masama isipin ang kapakanan ng sarili. 

3. kilalanin ang tunay na nagmamahal sayo

“through good times ang bad times, i’ll be at your side forever more, coz that’s what friends are for.”

sa sobrang pagtitiwala at pagpapahalaga sa ibang tao bago ang sarili, kahit mga estranghero napapabilang sa circle of friends mo na hindi naman dapat. ngunit sadyang maalam ang tadhana at bibigyan ka nya ng pagkakataon para makilala ang mga tamang tao na dapat lang na pumaligid sayo.

ang matagal ko nang wish na hindi man ako magkwento, hindi man sila magsalita, dama ko ang pagmamahal nila, dama ko na nasasaktan din sila, dama ko ang mga paraan nila ng pag-aalala at pag-aalaga sa akin ay ang pinaka nakakabuti sa sitwasyon at sa akin.

maraming sadyang masama sa mundo, hindi natin sila dapat sisihin kasi yun talaga ang papel nila dito. iwasan nalang at huwag tularan kung hindi magawang labanan.

walang taong perpekto pero expect mo na marami ang magmamalinis at maghuhugas kamay sa araw ng paghuhukom.

iba-iba ang mga paraan ng mga tao para tumulong at pagpapakita ng concern. meron at meron sablay ang advice at meron at meron na aabusuhin ang pagkakataon at kahinaan mo.

mahal niya nga ako, confirmed. after all this time, bakit?!

mahal niya daw ako, pero hindi ko dama. ang pagkakaintindi ko, akala niya lang mahal niya ko pero hindi talaga.

etong dalawang tao na ito magulo talaga. ang sinasabi hindi tugma sa ginagawa at vice versa.

ok lang din naman kasi nagpapasalamat ako kasi lovable pala talaga ako. ako lang naman itong incapable of loving truly ata, mas unfair yun sa kanila.

4. alamin ang tunay na nadarama mo

sa sobra kong pag-iisip at pag-aalala sa ibang tao bago ang aking sarili. oo baliw ako mahal ko ang sarili ko pero least priority ko ang kapakanan ko. everyone who knows me would attest to this fact. kaya nga siguro binigyan ako ng ganitong pagsubok para isipin at alalahanin ko muna ang sarili ko bago ang ibang tao. totoo nga naman kasi sa lahat ng mga kaganapan ngayon wala na akong ibang inisip kundi ang sarili ko.

mahal ko pa siya pero hindi tulad ng pagmamahal ko sa kanya dati.

oo pumayag akong lumabas kami ng “Ex” ko. matapos ko siyang tanggihan ng 3 consecutive days eh pinaunlakan ko ang imbitasyon niya kagabi. huling hirit sa valentine’s, hindi ko rin natiis. bakit nga ba iddeprive ang sarili para maging masaya. 

kaya ko nang mag-exist ng wala siya at mag-co-exist kahit lagi siya andyan.

5. hindi masamang maging mag-isa

may mga pagkakataon sa mundo at kaganapan sa buhay na ikaw ay magiging mag-isa. ang pagiging autophobic ko ay state of mind lang na pinapataba ko ng todo kaya nilalamon na ko ng buhay ngayon. 

ang taong takot maiwan mag-isa ay hindi nangangahulugan na duwag siya o mahina. lahat ba ng independent eh matapang? hindi naman.

 


Posted by hukombitay at 10:33 am | permalink

Previous Comments

tagal mo maghibernate a. ako kase pag sinabi kong hibernation 2days lang ako mawawala. hahahaha.

but its good to know that you’re back. :)

Posted by AC at February 16, 2009, 12:36 pm

thanks for welcoming me back.

hindi nga ako nakapagpaalam sa totoo lang. gusto ko lang talaga siguro manahimik muna. basa-basa lang. isip lang ng isip. busy rin kasi. ok dami dahilan wala naman katuturan. hanep!

hindi ko lang talaga siguro malaman anu dapat sulatin. tinititigan ko lang yun create new post window habang tumatakbo ang oras, araw na pala ang lumipas. salamat narin lang sa date ko kagabi, yun ata pinaka nagtrigger na gusto ko lang talaga magsulat, bahala na kung anong lumabas.

pero na-miss ko kayong lahat. :) (eto palang ata ang first emoticon smiley ko matapos ang 2 weeks) i think i’m really back. :)

Posted by hukombitay at February 16, 2009, 1:06 pm

Don’t ya worry dear, this too shall pass. Whatever comes out of it, learn from it more and more.

You always have my prayers dearie. :) Hang in there.

Posted by rjil at February 16, 2009, 3:12 pm

haaayyy…sa limang sinabi mo para sa kin lahat yan ay totoo..

welcome back:)

Posted by muymuy at February 16, 2009, 3:18 pm

Hi Erica!

Yippeee! Nice to see you’re writing again! Ako rin nag-hibernate, kagagawan ng computer kong nasira.

Amen to everything that you have written in this post. Really glad to know you’re okay na. I am excited to read more from hukombitay hehehe ;)

Posted by Nortehanon at February 17, 2009, 12:12 pm

finally, ok na ang i.ph hay salamat…

@rjil: it’s not the first time i heard that from you. well, now you know my story. hay life…

@ muymuy: i’m glad u agree w/ me. matagal ko naman na alam ang mga bagay na yan kaya lang sadyang matigas ang ulo ko, i can’t help to be the goody two shoes type of person. i seem to be always the exception to every rule.

@N: i can’t say i’m truly ok na but i’m getting there, parang lyrics lang sa movie nila piolo & regine yun ah. i can say i’m pretty much unstable still, minsan tumatawa, minsan umiiyak, baliw na nga ata ako. 3 weeks & counting. no matter how much i wish to rush time i know i can’t, i’ll just have to wait until the verdict is served. but until then i guess i’ll have to endure with what else i have now. good company like you guys, just to keep me sane & grounded. *hugs*

Posted by hukombitay at February 23, 2009, 9:59 am

Life promises you nothing but surprises. Good and bad. It’s just a matter of perception.

I am constantly praying for Him to give you strength during these times. And I’m still here, I always am. :)

Posted by rjil at February 23, 2009, 4:29 pm

@rjil: u make me speechless everytime. thank u so much *hugs*

Posted by hukombitay at February 23, 2009, 5:41 pm

Add a comment








There is no greater sorrow than to recall, in misery, the time when we were happy.


- Dante (1265-1321), Inferno

About Me

I am my self for the world to hurt... but ultimately Yours for the taking.

- Erica Iris D. Raquel

     

February 2009
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

Pens of Hope

Message Board

che:

welcome to me here..

Star Villanueva:

Hi, Just blog hopping =)

Nortehanon:

Hi E! Dumaan lang para mangumusta. Hope all is well.

hukombitay:

yup yup!

AC:

huwawww!!! you’re back! :)

hukombitay:

hi everyone! don’t miss me so much, i’ll be back soon… :)

AC:

hello! how are you??

Nortehanon:

Hi Erica!
Nangungumusta lang.

Miss N:

Magandang hapon, Erica! Heto po, kababalik lang from Northern Samar at muli ay nakakita na naman ako ng masasayang mga bata. Salamat sa tulong.

hukombitay:

hi everybody… miss me? miss you all!

AC:

hello! :)

N:

Hi Erica, dumaan lang uli para mangumusta.

N:

Hi Erica! Dumaan lang para mangumusta.

hukombitay:

@Miss N: here is me saying Hi back.

hukombitay:

AC cute: thanks po sa award

Nortehanon:

Miss N dropped by waving her hands and saying ‘hi’ :) Hope things are going well.

AC:

eto totoong award. hehe
http://awefullworld.com/?p=2255

AC:

eto di award, pero para sayo.. haha!

http://awefullworld.com/?p=2250

hukombitay:

wow, award ulit, thanks!!!

Drama Queen:

para sa yo: http://kapeatsigarilyo.wordpress.com/2009/04/09/isa-pang-chickenjoy/

Leave a message ▼

Live Traffic Feed

Thank you for dropping by!

    

Subscribe

Technorati
Bloglines

technorati