Home » Archives » 17. January 2009
maligayang anibersaryo
We face all challenges beyond all the problems because we believe that the more pain we overcome, the more stronger we become.
Sadyang baliw nga ata ang tao at pinanganak na masochist (n. someone who obtains pleasure from receiving punishment). Lalo na mga pinoy. The above statement confirms it all.
Eto na ang kasagutan siguro kung bakit nagtatagal at dumadami pa ang mga kapatiran/fraternity/sorority sa mundo at kung bakit nauso ang hazing o mga ritual kung saan kailangan mong pagdaanan ang hirap upang mapabilang sa nasabing kapatiran. Hindi ko ito sinasabi dahil myembro ako ng isang con-fraternity (mixed ang frat & soro, co-ed kami). Ako pa na nag-aaral ng batas should know better. Andyan ang Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing Law.
Masyado na kasing maraming namamatay. Pero hindi layunin ng batas na iabolish ang mga kapatiran. Obvious naman diba, ultimo silang mambabatas ay miyembro ng mga fraternity, maging ang ating maraming opisyales ng gobyerno, kabilang na ang Korte Suprema. Siyempre ang mangyayari nun salungat na yun sa ating Saligang Batas na nagbigay sa bawat Pilipino ng kalayaan at karapatan magtayo at/o maging parte ng isang organisasyon, asosasyon at kung anu pang syon.
Pero hindi rin ako hipokrita para ideny na wala pang namamatay sa pinakamamahal kong kapatiran. Sabihin na natin masokista nga talaga ako at kagustuhan kong mamatay sa kamay ng mga taong pinakamamahal ko. Tulad ng nabanggit sa nakaraan kong blog, ang pagdanak ng dugo at kamatayan ay hindi kailanman maiiwasan sa amin kundi isang katotohanan. We stare at the face of death and smile. Hindi dahil masaya kami at ikinararangal ito ngunit dahil iyon ay tanging katotohanan lamang.
Alam ko ang pinasok ko, at hindi magandang panaginip ang pinagdaanan ko, pero nakangiti parin ako.
ang buhay ay regalo
hindi mo hiniling pero laan para lamang sa iyo
ang buhay ay laro
may pagsubok, kung san may kasiyahan at kalungkutan, may panalo at talo
ang buhay ay blankong papel
at ikaw ang lapis
ang buhay ay istorya
may mga kontrabida at ikaw ang bida
ang buhay ay halintulad sa kamatayan
tunay na sigurado at hindi maiiwasan
ang buhay ay buhay
katotohanan man o kathang-isip
ang buhay namin ay ganito
mula noon, hanggang ngayon







