pagbukang liwayway

June 14, 2008

in every dark moment

i don’t cry nor do i speak 

maybe that’s why it’s more painful for me

—————————————————————— 

mabuti akong tao

hindi ako madamot

hindi ako masama sa kapwa

makasalanan man ako

wala akong sinasagasaan

wala akong inaapakan

makasakit man ako ng damdamin ng iba

nagawa ko na ang lahat para maunang magdusa

hindi ako gumagamit at nagpapagamit

hindi ako nagpapanggap

mabuti nang ako ang masaktan

magsakripisyo

kaysa silang ibang tao

mahal ko man o hindi

sila ang unang iniisip ko at inaalala

mali man o hindi tunay sa mata ng iba 

martir na kung martir

may busilak akong puso

walang sawang nagmamahal

handa laging magsilbi

gumawa ng dapat at tama

kailanman hindi humiling ng anumang kapalit

maabuso man, ayos lang

umiyak man, ayos lang

hindi man maswerte sa buhay, ayos lang

masaklap man ang kapalaran ang danasin

husto na sa awa at payo at pangarap

wala paring pagbabago

umiiyak parin at nag-iisa

hindi man malungkot hindi rin naman masaya

hindi sa nagsisisi

ngunit ako’y tao lang na napapagod

tulad ng panahon na lumilipas

bawat segundo, minuto, oras at araw

ayoko pa man sumuko sa ngayon

hindi rin ibig sabihin hindi pa yon sumagi sa isip ko

makasarili ba akong maituturing para magpasya sa hinaharap

na walang kasiguraduuhan ang pag-asa at pagbabago at kasiyahan

mabuti ka man na tao

sabi nila pagsubok lang lahat ito

pero makatarungan ba na sa hangganan ng buhay ay dun lang din ang hangganan ng paghihirap at pagpatak ng mga luha

ibig sabihin ba laruan lang talaga ang tao at walang sariling kalayaan

maaaring tama… maaaring mali

pero isa lang ang alam kong sigurado

sa buhay na ito mabuti ang may pinanghahawakang paniniwala at pananampalataya

sapagkat yun lamang ang tanging bubuhay sa tao na may pag-asa at may mga pangarap na natutupad

at maaari kang maging masaya at kuntento

masaklap man ang mundo

at marami mang masamang tao dito

at hindi man mangyari lahat ng gustuhin mo

pagsubok, laro o utang man ang buhay mo

ito ay sadyang hiwaga na hindi dapat madaliin

dahil pagdating ng takdang panahon

lahat ng katanungan ay magkakaroon din ng kasagutan

tulad nang isang pananabik

sa pagdating ng bukang liwayway 

 

Posted by hukombitay at 7:07 pm | permalink | Add comment
There is no greater sorrow than to recall, in misery, the time when we were happy.


- Dante (1265-1321), Inferno

About Me

I am my self for the world to hurt... but ultimately Yours for the taking.

- Erica Iris D. Raquel

     

June 2008
M T W T F S S
« May   Jul »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Pens of Hope

Message Board

che:

welcome to me here..

Star Villanueva:

Hi, Just blog hopping =)

Nortehanon:

Hi E! Dumaan lang para mangumusta. Hope all is well.

hukombitay:

yup yup!

AC:

huwawww!!! you’re back! :)

hukombitay:

hi everyone! don’t miss me so much, i’ll be back soon… :)

AC:

hello! how are you??

Nortehanon:

Hi Erica!
Nangungumusta lang.

Miss N:

Magandang hapon, Erica! Heto po, kababalik lang from Northern Samar at muli ay nakakita na naman ako ng masasayang mga bata. Salamat sa tulong.

hukombitay:

hi everybody… miss me? miss you all!

AC:

hello! :)

N:

Hi Erica, dumaan lang uli para mangumusta.

N:

Hi Erica! Dumaan lang para mangumusta.

hukombitay:

@Miss N: here is me saying Hi back.

hukombitay:

AC cute: thanks po sa award

Nortehanon:

Miss N dropped by waving her hands and saying ‘hi’ :) Hope things are going well.

AC:

eto totoong award. hehe
http://awefullworld.com/?p=2255

AC:

eto di award, pero para sayo.. haha!

http://awefullworld.com/?p=2250

hukombitay:

wow, award ulit, thanks!!!

Drama Queen:

para sa yo: http://kapeatsigarilyo.wordpress.com/2009/04/09/isa-pang-chickenjoy/

Leave a message ▼

Live Traffic Feed

Thank you for dropping by!

    

Subscribe

Technorati
Bloglines

Sponsored Links

technorati