Home » Post Item » salamin salamin
salamin salamin
May 22, 2008sa harap ng salamin
umiyak ka kung malungkot ka
sumigaw ka kung galit ka
tumawa ka kung masaya ka
sisihin mo na ang mundo at sarili mo
huwag lang ang ibang tao
ang nakaraan ay lumipas na
ang hinaharap ang tangi mong pag-asa
pag-asa ng pagbabago
pag-asa ng pag-asenso
huwag kang matakot
tibayan ang iyong loob
lumaban ka
magpakatotoo sa iyong sarili
idilat ang iyong mata sa katotohanan
humarap sa salamin
kilalanin ang sarili
siya ang susi sa iyong tagumpay
siya ang mitsa ng iyong kamatayan







