Home » Archives » 12. November 2007
pera pera
November 12, 2007why do people worry about money?
All because financial problems are part of every household, well for most of us, i guess.
Pero bakit kailangan problemahin ang pera eh di naman nito pinoproblema ang tao? kung baga para lang yan one sided love or unreciprocated love, minamahal mo ang isang tao hindi ka mahal at kailanman hindi mamahalin. kailangan talaga may analogy sa love eh noh.
pero totoo naman hindi ba labis ng tao pinoproblema ang pera kaya halos mundo na nila ito. hindi man tama sa tingin ng marami pero yan ang riyalidad na hindi na mawawala sa bawat tao na naghihirap. hindi man importante ang pera para mabuhay, pero kailangan mo to para mabuhay. hindi naman sa pagiging masyadong materialistic at makamundo, pero ang paghihirap ng tao hindi natin dapat maliitin. wala ka sa siwasyon nila. kumusta naman ang poverty rate dito sa PIlipinas, unemployment and underemployment rates, pati na illiteracy rate.
lahat ng material na bagay may katumbas na pera, at pati tao nabibili narin ng pera. pilit man natin ipagkaila, ito ang nangyayari sa totoong buhay.
ang hindi ko lang maintindihan sa mundo, lalong ginigipit ang mahihirap sa takbo ng panahon ngayon, at maging yun mga tama lang ang estado sa buhay eh napabilang na sa class C & D.
yun ang katotohanan at riyalidad, mahirap na ang buhay ngayon. paano nasasabi ng gobyerno na ang bansa ay umuunlad kung dumarami ang taong naghihirap?
ang sarap isampal sa kanila ang mga bayarin ng mga taong isang kahig isang tuka, araw-araw.. buwan-buwan hindi na malaman kung saan pupulot ng pera para makaraos. ang mga bata hihinto na sa pag-aaral, palalayasin na kayo sa bahay na nirerentahan dahil matagal na kayong hindi nakakabayad, may na-ospital pa at may namatay. minsan talaga eh himala nalang ang dahilan at nagagawang magtiis at napapagkasya kahit papaano ang mga pinagkakitaan sa labis na mga dapat bayaran. at siyempre nagagawa parin ngumiti at tumawa sa kabila ng lahat na paghihirap at labis na mga problema na nagkakapatong-patong pa.
sasabihin ng iba "magsumikap ka nang umasenso".
parang sinabi narin nila na wala kang ginagawa. pero meron naman kung tutuusin.
ewan ko ba pero naniniwala na talaga ko sa tadhana at pagkakataon na may mga bagay na sadyang mangyayari at sayo lamang mangyayari, maging masama man o mabuti. minsan wala na sa kamay mo ang pagsasakatuparan ng lahat ng iyong mga pangarap. dahil ito sa hindi ka nag-iisa sa mundo. kahit saan ka magpunta marami kang kakumpetensya, marami kang dapat pakibagayan at pasayahin at pagsilbihan.
at sadyang malupit ang mga tao, pagkakataon at panahon. dahil kung kailan akala mo magiging maayos na ang lahat ay nagkakamali ka pala, nasa harapan mo na ang unos at lalamunin ka na ng mga alon.. ayan na at nalulunod ka na, palubog ng palubog. sinubukan mong lumangoy pero nasa gitna ka ng karagatan at walang lupa na natatanaw. pero patuloy ka parin sa paglangoy. pero pagod ka na, nagugutom at inaantok. nagpaanod ka nalang at nagdasal ng mataimtim sa Diyos na
Hindi ko sinasabing wala nang pag-asa sa buhay. Pero ang akin lang eh wag sanang baliwalain ang mga taong ganito ang dinaranas. Hindi mo na nga tinutulungan, kinukutya mo pa at mas pinapahirapan… kulang nalang eh patayin mo na nga… pero sa totoo lang pinatay mo na sila, matagal na…
pamula nung hindi ka nag-aral ng mabuti at bumagsak ng paulit-ulit sa mga pribadong eskwelahan na pinasukan mo, pamula ng sinira at tinapon mo lahat ng laruan mo, pamula nang maltratuhin mo ang katulong nyo, pamula nung binangga mo yung kotseng binili ng tatay mo, pamula nung nalulong ka sa sugal, alak, bawal na gamot at babae, pamula ng binayaran mo ang kalayaan ng anak mong may kasalanan, pamula ng binawian mo ng buhay ang asawa mo, pamula ng tumakbo ka sa kongreso, pamula ng ginamit mo ang kaban ng bayan pambili ng mga ari-arian ng mga kapamilya at kaibigan mo, pamula ng ipa-ambush mo yun kalaban mo sa pulitika, at pamula ng ipinagpagawa ka ng rebulto at eskwelahan na naka-pangalan sayo…
Sabihin man natin na maraming taong abusado na umaasa sa iba, huwag sana natin lahatin. Kung tutuusin hindi naman humihingi ng tulong sayo. Anu ba naman yun pakinggan mo at damayan mo? Kung tulungan mo man, huwag na sana maraming sinasabi. Ang baba na ng tingin nun tao sa sarili niya eh dinagdagan mo pa at pagmamalakihan at pagsasabihan at gugustuhing pang patakbuhin ang buhay niya. Ni hindi na nga niya magawang tumingin sa salamin eh. Mangyayari lang niyan eh isa na namang "utang na loob". Utang na loob na panghabangbuhay pagbabayaran. Buhay ang kapalit, sa kakarampot na halaga, sa kakarampot na panahon, sa kakarampot na tulong… Kaya nga bang tunay na hindi dapat umasa sa iba.
Dahil sa bawat paglubog ng araw, sarili mo nalang talaga ang natitirang maaasahan mong magmamahal sayo ng totoo. Hindi kapamilya, hindi kaibigan, hindi estranghero.
Eh hindi mo naman kailangan ng tao sa mga panahon na ganito, kung hindi Diyos.







