Home » Archives » 11. November 2007
buhay paro-paro
November 11, 2007for every problem there is an equivalent solution…
kay daling sabihin pero minsan ang hirap tanggapin at gawin. I used to have instant solutions to all life's problems, well for most of the times. And if I don't, I knew God always makes a way to make my life a lot less difficult. But as time goes by problems became more than extra-ordinarily complicated and complex, and not only that, they come in bulks, leaving you more things to think about with limited time. No room for whining because of time constraint. No 10 minute break to breathe in breathe out just to compose oneself. You just got to think fast and make something out of the situation at hand.
Kung ang problema ng buhay parang petition for review lang sa court of appeals, submitted for decision na sigurado ang kaso ko by now. Kaya nga lang, hindi nga eto kaso sa husgado. hindi pa umaabot dun.
————————————————————————-
madalas nanaman siyang tulala
nag-iisip ng kung ano-ano
minsan ngingiti parang baliw sa sulok
tubig ay alak
madalas nangangarap
nagtatanong
kailan
paano
magbabago ang ikot ng buhay niya
sana talaga
maliwanagan na ang mundo
nang gumaan-gaan ang pakiramdam niya
at sadyang pinagpapala nga naman siya
dahil bilog ang mundo
at may Diyos na tinatawag
hindi siya nangungulila
hindi siya pinapabayaan
mula noon hanggang ngayon
kahit anong unos
nakakaraos siya kahit papaano







